Pagpapahalaga sa Moral


          Bawat buwan nagdiriwang ang iba't ibang organisasyon. Ang Kagawaran ng Esp ay nagdiriwang ngayong  buwan na may temang "Pamilyang Pilipino Patatagin: Susi sa Paghubog ng Kabataang Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan, at Makabansa."

           Iba't ibang mga aktibidad ang naganap gaya ng poster making, paggawa ng sariling doxology, pagsulat ng sanaysay, bigay-puso program at iba pa. Habang nagaganap ang iba't ibang mga aktibidad, may natugutunan ang mga mag-aaral tungkol sa mga moral na pagpapahalaga. Ang bawat aktibidad ay konektado sa "Core Values". Ang apat na core values ay makatao, maka-Diyos, makakalikasan at makabansa na nakatutulong para maging payapa at maunlad ang ating bansa. Sa pamamagitan ng iba pang kasapi ng lipunan ang paraan kung saan siya'y mas mahuhubog ang sarili habang lumalaki.

          Ang kabataan ang pag-asa ng bayan ika nga ni Rizal kung kaya't napaka-angkop ng tema ngayong taon sapagkat napapanahon din ito.


Reference:
Picture:

Comments